HINDI pala papasa si Gerald Anderson sa panlasa ni Arci Muñoz kung liligawan siya nito. Inamin ng aktres na mas malakas ang tawag na ituturing nitong nakatatandang kapatid ang aktor kaysa maging magsyota sila.
Kung si Gerald ay balitang-balita na lahat diumano ng naging leading ladies nito ay niligawan niya at ang iba ay naging syota nito pero, hindi ito mangyayari sa kanilang dalawa ni Arci kung magkapareha sila sa isang pelikula dahil ‘kuya’ umano ang turing niya rito.
Inamin naman ni Arci na guwapo si Gerald at boyfriend material pa dahil sa pagiging gentleman daw nito to-the-max pero mas mananaig daw sa kanya ang payo ng kanyang ina na, “mother knows best” kaya dapat sundin ang mga magulang.
Palagi raw siyang pinaaalalahan ng kanyang mommy na iwasang magkaroon ng syotang taga-showbiz kasi kaunting pagkakamali o lovers quarrel ay tiyak pagpipiyestahan sila ng kanyang syota at kadalasan nagwawakas sa hiwalayan.
Kaya ngayon, nakahanda na raw si Arci kung may isang taga-showbiz ang poporma sa kanya ay alam na raw nito ang kanyang gagawin. As in, ituturing na lang nitong isang kaibigan o isang kapatid.
To make the story short, walang hilig si Arci sa syotang taga-showbiz base na rin sa naging payo sa kanya ng mother na hindi lahat ng showbiz married couple ay naging successful.
Ang tsika, inamin ni Arci na kabi-break lang nila ng kanyang non-showbiz boyfriend pagkatapos ng dalawang taong relasyon at istorya, naging ex pala ng kanyang syotang si Anthony Ng si Erich Gonzales.
Heto ngayon ang tanong, magkatulad ba ng rason sina Arci at Erich kaya nagkaroon ng hiwalayan? Base sa tsika, ayaw raw ng mom dearest ni Arci si Anthony. How true?
AHWEL PAZ NG DZMM MATAGUMPAY SA KANYANG 7th MEDICAL MISSION FOR MEDIA
MATAGUMPAY na nairaos ang ika-7 taon na medical mission ni Ahwel Paz ng DZMM para sa mga miyembro ng media na ginanap nitong nakaraang Linggo, September 1 sa De Los Santos Medical Center na matatagpuan sa E, Rodriguez Avenue, Quezon City.
Dinaluhan ito ng showbiz reporters at editors ng iba’t ibang diyaryo, radyo at TV maging mga bloggers na malaki ang pagpapasalamat sa libreng serbisyo at gamot mula sa nasabing hospital na isa sa mga sponsors ng project ni Papa Ahwel.
Sa aming interbyu, nasabi ng showbiz anchor ng DZMM na naging inspirasyon nito ang kanyang mga kasamahan sa media na nagkasakit na hindi man lang nadala sa hospital. May mga pumanaw na dahil sa kakulangan ng pera ay hindi umano ito nakabili ng gamot.
Talagang kusang kinausap ni Papa Ahwel ang kanyang mga kaibigan na alam nitong makatutulong sa problema ng mga kasamahang taga-media. Paisa-isa nitong nilalakad ang paghahanap ng sponsors hanggang nakapagsimula siya noong 2012 na ginanap sa Dong Juan Resto sa may Mother Ignacia.
Tiyaga at determinasyon ang kanyang naging baon kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang taunang medical mission na isa sa mga proyekto ng kanyang I Love My Family Foundation. Aniya, may iba pa siyang pinagkakaabalahang proyekto na nasa iba’t ibang probinsiya na bahagi ng kanyang foundation.
Suportado siya ng kapwa nitong taga-DZMM na si Julius Babao at mga doktor ng Delos Santos Medical Center sa pangunguna ni Mr. Raul Pag-danganan, president and CEO, Dr. Jessica Dee ng Ideal Vision, AXA Life Insurance at Fernando’s Bakershop. Mabuhay ka Ahwel Paz, may your tribe increase!
Comments are closed.