HINIMOK ng Department of Trade and Industry – Export Marketing Bureau (DTI-EMB) ang Pinoy exporters na subukan ang merkado ng Latin America, kasunod ng pagbisita ni Depindir “Tony” Lamba, isang negosyanteng taga-Argentina sa Filipinas noong nakaraang Agosto 13, 2019 sa DTI International Building, Makati City.
Masigasig si Lamba sa pagtataguyod ng produktong Pinoy sa Argentina at iba pang lugar sa Latin America.
Inorganisa ng DTI-EMB, ang pagbisita ni Lamba sa Filipinas ay inendorso ni Commercial Counsellor Michael Vyke Roaring para sa mga bansa sa Latin America.
Inayos ng EMB ang briefing para kay Lamba pagdating sa business registration procedures, EMB services, export procedures, at trade opportuni-ties. Nagkaroon din ng one-on-one meetings sa 15 exporters ng pagkain, personal care, at coconut products kasama ang isang franchising company na isinaayos para kay Lamba nang panahon ng kanyang pagbisita sa bansa noong Agosto 13 – 15, 2019.
Si Lamba, na tubong India ay may 40 taong kasanayan sa trading sa Asia at Latin America. Pamilyar siya sa bansa dahil dati siyang nag-i-import ng rattan furniture at costume jewelry mula sa Filipinas.
Ngayon, plano niya na magtayo ng export-import firm sa Filipinas at samantalahin ang mga oportunidad sa Filipinas at Latin America.
Comments are closed.