ARJO ATAYDE PAPASUKIN NA RIN ANG PAGPO-PRODUCE NG PELIKULA

Arjo Atayde

PAHINGA muna si Arjo Atayde sa resto business niyang Skinita Street Foodz sa entra eksenaKapitolyo Pasig na ilang taon ring nag-operate kasi papasukin naman ng Kapamilya actor ang pagpo-produce ng pelikula and soon ay magiging movie produ­cer na ang binata ni Sylvia Sanchez.

One of these days ay magkakaroon na ng launching ang sarili niyang movie outfit ni Arjo at dito na ire-reveal ang pangalan. Isang project with Ms. Nova Villa ang initial offering nila. Supposedly ito ‘yung pelikulang gagawin nila ni Eddie Garcia for the said production. May sinusulat din si Arjo na rom-com story na pag nagkataon ay first rom-com movie niya.

Nang tanungin ang actor kung ang rumoured girlfriend niyang si Maine Mendoza ang magiging leading lady niya, hindi naman daw at iniisip pa lang nila.

“‘Yun naman ay isinusulat ko, another concept of mine. Wala pa po. “We’re still thinking of possibi­lity, pero hindi pa po puwedeng i-announce eh. Soon magkakaroon pa kami ng launching,” sabi ng actor na bibida uli sa season 2 ng Bagman sa iWant kasama si Carlo Aquino na gaganap na kontrabida sa nasabing digital series na mapanonood sa iWant.

APAT NA DIRECTORS BUBUO SA ‘WILD BUTTERFLIES’ NI DIREK REYNO OPOSA

KAMAKAILAN ay nagkaroon ng storycon sa isang resto ang controversial at pet movie project ng director-producer na si Reyno Oposa.

Masayang ibinalita ni Direk Reyno sa post nito sa kanyang FB account na complete na ‘yung cast ng movie at apat sila ang magiging director nito kabilang na ang madalas maging assistant director sa kanyang mga film na si Benny Pioquinto at dalawa pa. Kailangang pagandahin ang proyekto at pang-international release ito. Excited nang mag-shoot ang lahat ng artistang kasali lalo’t challenging ang bawat character na gagam­panan tulad ng male lead cast na si Kurt Harris na sobrang ganda kapag nag-transform na into a girl.

Ayon pa kay Direk Reyno na kababalik lang ng bansa ay masyadong mabusisi ang latest film niyang ito na medyo malaki ang magiging budget. Plano ng kaibigan naming director na magkaroon ng premiere night ang Wild Butterflies sa SM Cinema and why not lalo’t  quality ang movie at napapanahon.

SUNSHINE DIZON KINAALIWAN NG STUDIO AUDIENCE SA ‘BAWAL JUDGEMENTAL’

SI Sunshine Dizon ng teleseryeng Magkaagaw ang celebrity player o judge noong Lunes sa “Bawal Judgemental.”  Nakaaaliw ang bawat reaction ni Sunshine tuwing ibibigay na nito ang kanyang choice sa mga huhusgahan niyang men at tunay na aliw-aliw na sa actress ang studio audience.

Ang huhulaan niya kasi ay kung sino sa mga lalaking ito ang nag-join sa male pageant at sino sa apat ang nagkaroon ng girlfriend at boyfriend at kung sino sa kanila ang nag-out noong 2018? Sa hawak na P50K ay 15K ang nabawas sa pera ni Sunshine dahil tatlo ang mali niya. Kasama ni Shine na sumuporta sa kanya ay ang kanyang hairstylist at make-up artist.

Ang galing humawak o host nina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon ng portion na ito kasama sina Jose, Paolo, Pauleen at Allan K. Bawal  ang mapanghusga at ma-chika sa Bawal Judgemental. At para manalo kailangan magaling kumilatis ang maglalaro rito.

Comments are closed.