ARM CACHE NG NPA ININGUSO

NUEVA VIZCAYA-NATUNTON ng mga tauhan ng 84th Infantry Battalion ng Kaugnay Joint Task Force ang mga baril at iba pang war materials sa Brgy Lipuga, Alfonso Castañeda sa lalawigang ito matapos na ituro ng mga residente ang arms cache ng communist terrorist group kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Northern Luzon Command’s (NoLCom), acting Commander Maj. Gen. Andrew Costelo, nakatangap ng intelligence information ang kanyang mga tauhan hinggil sa pinagtataguan ng mga sandata ng CPP-NPA.

Sa ulat na isinumite ni 84th Infantry Battalion ,commanding officer Lt. Col. Enrico Gil Ileto nakumpiska nila ang dalawang Bushmaster M16 Rifle, isang Colt M16 Rifle, 614 Ctg. 5.56mm ball, 21 rounds Ctg. 7.62mm ball, 11 long 5.56mm magazine assembly (steel),8 short 5.56mm magazine assembly (steel), at 3 Bandolier.

Kasabay nito, nanawagan si JTF Kaugnay Commander at NoLCom’s Acting Commander Maj. Gen. Costelo sa local government units, stakeholders at mga residente na ipagpatuloy ang pagsuporta sa kanilang kampanya para wakasan ang local communist armed conflict. VERLIN RUIZ