ISABELA – NAKUMPISKAHAN ng mga armas at kagamitan ang isang dating sundalo nang hainan ito ng warrant of arrest sa bayan ng San Manuel.
Kinilala ang naareso na si Rolando Corpuz, 68-anyos, na hinuli sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ariel Palce ng Branch 23 Roxas.
Kabilang sa nakumpiska kay Corpuz ay ang isang ammunition box, tatlong magazine assembly for carbine; apat na gun cleansing kit; apat na holster; firearm oil; cal.22 riffle w/scope SN70219; isang super 38 firearm at holster; mga bala at iba.
Ang naturang operasyon ay bahagi ng Oplan Paglalansag na isinagawa ng pulisya. IRENE GONZALES
Comments are closed.