ISINAILALIM sa ceremonial demilitarization ang Philippine Army (PA) sa mga nakumpiska, na-recover at isinukong mga armas sa 6th Infantry Division (6ID) headquarters sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino ang aktibidad na bahagi ng selebrasyon ng ng 34th founding anniversary ng 6th Infantry Division.
Ang 6th Infantry Division ang primary infantry division ng PA sa Central Mindanao.
Kabilang sa mga winasak ang 86 high-powered at 94 low-powered loose firearms, 779 assorted firearms, 291 anti-personnel mines, at iba pang pampasabog.