ARMORY NG CPP-NPA TINURO NG MGA SUMUKONG REBELDE

Armas

SARI-SARING mataas na kalibreng baril ang nadiskubre ng Philippine Army matapos na ituro sa kanila ng mga sumukong rebeldeng New Peoples Army ang armory ng  CPP-NPA sa Zamboanga del Norte.

Narekober ng mga sundalo ang isang Cal. 50mm Sniper Barrett Rifle, M79 Grenade Launcher, anim na  AK47 assault rifle na may 14 na  magazines and ammunitions sa  Brgy Guibo Siayan ng nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Sa ulat na isinumite kay Army chief Lt Gen Cirilito Sobejana, itinuro ng mga sumukong NPA sa 97th Infantry Battalion ang kinalalagyan ng kanilang mga sandata.

Ayon kay  Lt. Col. Manaros Boransing, 97IB Commander, ang mga sumukong NPA ay kabilang sa Main Regional Guerilla Unit (MRGU) isang  special unit ng  Communist-NPA-Terrorist (CNT) sa  Western Mindanao, base na rin sa klase ng mga baril na hawak ng mga ito.

“The revelation of arms cache was after their custodial debriefing. They’ve also showed their sincerity of their surrender and guided our troops to the location of firearms”, ani  Boransing.

“They are notorious in conducting tactical offensives, extortions and atrocities, armed with high caliber firearms that were used to scare locals in the communities that were not supporting them”, dagdag pa nito.

Sa pahayag ng isang alias Ronald, isa sa mga kumander ng rebeldeng grupo na matindi ang naging apekto sa kanila ng COVID-19 pandemic partikular sa pagkain, gamot at iba pang supplies na kung saan ay nagugutom na sila sa kabundukan.

“We are very thankful that these former rebels who were also victims of wrong ideology are now collaborating with us now and already denounced the arm struggle to achieve a brighter future for them and for their families,” giit naman ni 102nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Leonel Nicolas. VERLIN RUIZ

Comments are closed.