CAGAYAN-POSIBLENG pagmamay-ari ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang mga narekober ng 17th Infntry Battalion Philippine Army na malalakas na improvised Explosive Device (IED), magazines ng M16 at M14 sa bayan ng Lallo ng nabangit na lalawigan.
Ang nadiskubreng arms cache ay nakasilid sa isang malaking balde na ibinaon sa lupa sa may Sitio Naddurucan, Barangay Abarlongan Uneg, Sto. Niño, Cagayan.
Nabatid na isang dating kasapi ng kilusan ang nagsabi sa mga sundalo na nakatalaga sa nasabing lugar na may pampasabog na ibinaon ng mga miyembro ng Danilo Ben Command (DBC) na pinamumunuan umano ng isang ‘’Ka Simoy’’.
Napag-alaman, ito ang ikatlong pagkakataon na nakahukay pa sila ng mga armas sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.
Samantala, maaaring dahil sa pag-deploy ng mga sundalo ng 17th IB sa mga liblib na lugar kaya marami na rin sa mga dating supporter at mga miyembro ng NPA sa Cagayan ang sumusuko at nagbabalik -loob sa pamahalaan.
Kaya’t panawagan ng militar na sumuko at tumiwalag na ang iba pang kasapi ng rebeldeng NPA upang makamit ang magandang programa ng ating pamahalaan. IRENE GONZALES
Comments are closed.