ARMY DETACHMENT PINASABUGAN

ISANG detachment ng Philippine Army (PA) na nagsisilbing checkpoint ang pinasabugan ng mga lawless elements kamakalawa ng gabi sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao.

Ayon kay Joint Task Force Central Spokesperson Lieutenant Colonel John Paul Boldomar, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi nitong Sabado.

Sa ulat, walang naitalang namatay o sugatan sa naganap na pagpapasabog sa Army checkpoint sa Barangay Macasampen.

Lumilitaw sa imbestigasyon na hinagisan ng hand grenade ang Army detachment sa naturang lugar.

Inaalam pa kung itinaon ang pagpapasabog sa pagdaan ng convoy ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu sa lugar.

Sa ngayon, patuloy pa ring tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek sainsidente. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “ARMY DETACHMENT PINASABUGAN”

Comments are closed.