MGA batang opisyal ang nais ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Andres Centino.
Kaya naman sinimula na ang pag-recruit sa 1,050 bagong opisyal bilang bahagi ng kanilang second cycle Officer Recruitment.
Ayon kay Centino, ang mga kukuning bagong opisyal ay bahagi ng kabuuang 2,109 na recruitment quota para sa taong ito.
“This is a great opportunity for everyone especially the youth who wants to serve their fellow Filipinos and our beloved country,”pahayag ni Lt.Gen. Centino.
Sinabi ni Centino, para sa second cycle, 400 slots ang nakalaan para sa Officer Candidate Course (OCC); 400 para Officer Preparatory Course (OPC) Class 73 at 74; 100 para sa OCC-Reserve Officer Training (OCC-ROTC); 100 para sa Call to Active-Duty Tour for Training (CADTT); at 50 para sa Direct Commission.
Binigyang-diin ni Centino, na ito ay magandang pagkakataon para sa mga nais magsilbi sa bayan.
Ang mga interesado ay maaring magpunta sa Phil. Army website para sa mga detalye.
“The Philippine Army thoroughly selects the best and the brightest who will be the future military leaders of the organization carrying out the noble duty of protecting the peace and stability of the nation,” dagdag pa ni Centino.
375070 505543I got what you intend,bookmarked , really nice internet website . 446205
359332 870088hey great web site i will definaely come back and see once again. 885292