ARNELL IGNACIO MISS NA MISS ANG SHOWBIZ, INIWAN ANG POSISYON SA GOBYERNO

MARAMI ang nanibago kay Arnell Ignacio noong makatsika siya ng ilang kaibigang entertainment buzzdaywriters sa isang merienda cena na ginanap sa Annabel’s Morato ka­makailan.

Ang dahilan ng kanyang pakikipagtsikahan ay na-miss niya ang mga da­ting kaibigan niya sa showbiz at sinabi niya na miss na miss na niya ang kanyang dating ginagalawang mundo. Nawala si Arnell sa showbiz circle for almost three years.

Since President Duterte assumed office, Arnell was one of those who were appointed in government position. First, he was as-signed at Philippine Amusement and Gaming Corporation(PAGCOR) as vice president for social services where he performed his duties with flying colors. Arnell welcomed his position heartily because he is not new to community service. Sa mga hindi nakaaalam, may sariling charity work si Arnell. May ina­alagaan siyang mga senior citizens at ilang kabataan na pinili niyang tulun-gan dahil ayon sa kanya, itong mga grupong ito ang helpless —matatanda at mga bata— na hindi na o hindi pa capable kumita ng pera.

After two years, nalipat si Arnell sa OWWA as Deputy Administrator. Hindi rin mahirap sa kanya ang trabaho at ginampanan niya ito with so much passion. Maraming natulungan na problemadong OFWs, nakipagmiting sa mga labor attaché ng ibang bansa, all for the welfare of OFWs. Naranasan ni Arnell ang matulog na hindi nagpapalit ng damit, ang wala sa oras na pagkain dahil lagi siyang nasa field of assignment.

Ayon kay Arnell, mahal niya at enjoy siya sa trabaho dahil, lagi siyang nagkakaroon ng sense of fulfilment kapag may nareresolba siyang kaso ng mga OFW, kapag may nakakausap siyang bosses ng mga ito sa Middle East at nakakapag-contribute siya ng mga ideya kung paano magkakaroon ng solusyon ang problema.

Pero, kinailangan niya iwan ang trabahong gob­yerno.

Just recently, he submitted his letter of resignation to his superior, DOLE Secretary Bello. “I am leaving the government service with a heavy heart because I have learned to love my work.”

Ayon pa kay Arnell, may mga nakalimutan siya na mahalaga sa buhay niya habang nagsisilbi siya sa ibang tao— ang kanyang pamilya. Hindi niya namalayan na may sakit pala ang kanyang ama, and there was even a missed call where he did not know who it was, ‘yun pala sa tatay niya na nagpapabili ng gamot.

Napabayaan na rin niya ang kanyang negosyo, at isa pang masakit, hindi niya alam na umalis ang kanyang anak at hanggang sa oras ng tsikahan na iyon ay hindi pa sila nagkakausap.

Kaya, naisip niya, “ano ba ito? Nagsisilbi ako at tumutulong sa solusyon ng problema ng ibang tao, pero, may problema ako na dapat ko palang i-solve,” hence his resignation.

As he was discussing how his job in the government went on, many were impressed at how he enumerated in detail the laws, procedures in government service proving to all and sundry, he is not just a singer, comedian, host and actor but a sensible, dedicat-ed public servant.

Sa kanyang pag-alis sa government service, sinabi ni Arnell na gusto niyang bumalik sa showbiz circle and may nakahanda na nga siyang isang hosting job sa isang beauty pageant.

Kinuha rin siyang spokesperson ng Juan Movement, isang samahan kung saan magagamit niya ang kanyang naging karanasan sa mga OFW. Layon ng kilusan na hikayatin ang sambayanang Filipino para sa makabuluhang pagbabago at pagandahin ang imahe sa buong mundo at dito ani Arnell, puwedeng maging influencer ang mga OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Magagaling ang ating OFWs, ani Arnell at ang mga Filipino workers ang most preferred ng mga foreign employer dahil matii-sin, puwedeng mag-overtime na walang reklamo, mapagmahal sa pamilya na siya ring isinusulong ng Juan Movement.

Kailangan lamang daw ng tamang reporma sa edukasyon para maibalik ang dating tradisyon ng pamilya   at muling pagyamanin ang ating kultura.

Sa Juan Movement, para na rin daw siyang hindi umalis sa serbisyo, puwede pa rin daw siya bilang consultant, na hindi nakatali at walang masasagasaang batas bilang isang government worker.

Godspeed, Arnell!

Comments are closed.