NAGBITIW na sa puwesto bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang komedyante at TV personality na si Arnell Ignacio.
Sinabi ni Ignacio na mananatiling malapit sa kanyang puso ang tanggapan ng OWWA.
Mayroon lamang umano siyang mga bagay na kailangang asikasuhin.
Habang isinusulat ang balitang ito ay tumanggi si Ignacio na magbigay ng detalye sa kanyang resignation at nangakong magpapatawag ng press conference.
Si Ignacio ay nanilbihan bilang vice president ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) bago naitala-ga sa OWWA.
Comments are closed.