ARNIS ATHLETES MAY PINAKAMARAMING GINTO PARA SA PH

Arnis

ANG Pinoy arnis athletes, nakakolekta ng kabuuang 20 medalya, ang may pinakamaraming napanalunang gold medals para sa Filipinas na may 14 sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Ang athletics naman ang may pinakamaraming medalya na may 27, 11 dito ay gold.

Naging impresibo rin ang Filipino jins sa medal haul na may 8 gold, 9 silver at 4 bronze medals kung saan mahigit pa sa doble ang kanilang nakolekta kumpara sa kanilang output noong 2017 sa Malaysia.

Umukit naman ng kasaysayan ang Philippine women’s basketball team sa edition na ito ng biennial meet nang masungkit ang kanilang kauna-unahang gold medal, na nagbigay-daan upang walisin ng mga Pinoy ang lahat ng apat na basketball events na kinabibilangan din ng 3×3 men’s at women’s competitions.

Winakasan din ng swimming ang 10-year gold medal drought, salamat kay  James Depairine, na nagbigay ng nag-iisang gold ng sport sa meet.

Itinanghal naman si Carlos Yulo bilang most bemedaled athlete ng bansa para sa Games sa pagwawagi ng apat na golds at limang silvers sa pitong gymnastics events.

Tampok sa tagumpay ng athletics ang smashing performances nina Filipino-Americans Kristina Knott, Natalie Uy, William Morrison at Brazil Olympian at London World Athletics veteran Eric Shawn Cray.

Nagtala ang 24-anyos na si Knott, anak ng isang Pinay at ipinanganak sa Orlando, Florida, USA, ng bagong marka sa women’s 200m; binura ni Uy, anak ng isang Cebuano at isinilang sa Ohio state, ang record sa pole vault;  nagtala si Morrison ng bagong record sa shotput; at trinangkuhan ni Cray ang 4x100m mixed relay sa bagong record.

Sina Knott, Uy at Morrison ay first timers sa SEA Games.

Kasama rin sa mga prominenteng nanalo sina Olympic-bound Ernest John Obiena sa pole vault, Brazil Olympic silver medalist at Olympic aspirant Hidilyn Diaz, at dalawang boxers at Olympic aspirants Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio.

Nanalo rin sina Asian Games wushu bronze medalist Agatha Wong at reigning 10 events decathlon champion Aries Toledo.

Ang pinaka-sensational na panalo ay kay Christine Hallasco na tinalo si Brazil Olympian at reigning marathon queen Mary Joy Tabal. CLYDE MARIANO

Comments are closed.