INAMIN ni Arnold “Igan” Clavio na naging wake-up call sa kanya ang nangyari kay Mike Enriquez, head nila sa News Dapartnment ng GMA 7. Hindi kasi akalain ni Igan na may problema sa kanyang kalusugan si Sir Mike dahil na-paka-ingat nito sa pangangatawan.
Aminado rin si Igan na diabetic siya pero kontrolado naman daw niya ito hanggang ngayon. Nagagawa pa rin niya ang lahat ng kanyang trabaho sa radio/TV commitments. Bukod kasi sa morning radio program nila nina Ms. Ali Sotto, Sir. Mike, Sir. Joel na Dobol A sa Dobol B, daily din siyang host ng Saksi at Unang Hirit. Si Igan din ang host ng Alisto at Tonight With Arnold Clavio.
Paglilinaw ni Igan, at 53 years old ay wala pa naman siyang nararamdamang senyales ng “memory gap” kaya siya inalok na maging endorser ng bagong Korean product na Brainew Ps ng Cotrix Marketing, Inc.
“Wala naman siyang memory gap,” say ni Igan nang makausap namin siya sa launching ng Brainew Ps. “Pero sa lifestyle kasi, like ako, lack of sleep, ‘di ba? Eh ayoko naman dumating ang time, saka pa ako maghahanap. Eto na, available na siya.”
May kasabihan nga naman na prevention is better than cure at mabuti nang mag-take na nito ngayon pa lang.
“Saka sa trabaho ko naman ngayon, ako ang gumagawa ng Balitawit, ako rin nagre-research ng `Sino` (ang blind item portion nila ni Ms. Ali Sotto sa DZBB), kailangang gumana ang utak ko, kahit na bina-bash ka na,” natawang say in Igan.
Pero hindi pa naman daw siya nakakapirma sa pagiging endorser ng Brainew Ps at pinag-iisipan pa niya, kaya siya dumalo sa launching.
“Nag-uusap pa lang. At least, kaya rin ako narito, gusto ko ring makinig sa mga expert, eh, bago ako sumagot ng oo, ‘di ba? First step is naniniwala ako sa product.
“Pangalawa, opportunity `to na mas malaman ko pa ‘yung benepisyo, hindi lang para sa akin kundi sa nanay ko rin, ‘yung mga mother din ng mga kaibigan ko na medyo nakakalimot na. So, para may maikuwento ako,” aniya.
Wala naman daw problema sa kanilang network ang endorsement sa radio dahil binibigyan naman sila ng 2 minutes, basta hu-wag lang daw major sponsor talaga.
Marami na siyang na-endorse at kadalasang tinutulungan niya ay ‘yung maliliit na kompanya at mababa rin ang kanyang talent fee, kumpara sa normal commercial rate.
Dati ay nagpahayag na siyang magre-retire at the age of 50 years old para mag-enjoy na lang sa buhay.
Pero biglang nagbago dahil sa pagdating ng social media na parang naging hamon kay Igan at parang kung baga ay nagsisimula ulit sila sa mainstream media.
“Hindi ko naman hahayaan na ang social media, eh, mapalitan pa ang mainstream, tapos puro hatred, ‘di ba, puro intriga, hindi ganu’n, eh. Ang ganda ng social media, sana huwag abusuhin,” say pa ni Igan.
ROBIN PADILLA ‘DI SASAMA SA 2 KAPWA ARTISTA SA KAMPANYA
NGAYON pa lang ay very vocal na si Robin Padilla may mga kandidato siyang tumatakbo ng senador sa darating na election.
Tiniyak ni Robin na sasamahan niya sa paglilibot ang mga susuportahang kandidato sa pagka-senador. At baka raw bihira ni-yang masamahan ang kapatid na si Rommel Padilla sa pangangampanya sa Nueva Ecija.
Nandoon naman daw ang pamangkin niya na si Daniel Padilla para tulungan ang ama sa pangangampanya.
Dalawang senatorial candidates ang kanyang susuportahan. ‘Yung isa ay dahil sa kanyang pinsan.
Eh, sa mga kapwa niyang artista na tumatakbong senador sa election, tulad nina former senator Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay hindi ba niya sasamahan mangampanya sa darating na eleksiyon?
Hindi man diretsong sinabi ni Robin na hindi niya sasamahan ang dalawang kasamahan niya sa showbiz sa pangangampanya ay parang ganoon na rin ang gusto niyang iparating.
Sagot kasi ni Robin, “Siguro kayang-kaya na nila ang mga sarili nila. Subok na sila diyan.”
Hindi rin nagawang dalawin ni Robin sina Bong at Jinggoy habang nakakulong sa Camp Crame.
Ang tanong, may tampo bang itinatago si Robin sa dalawa?
Comments are closed.