HINDI makapaniwala ni Arra San Agustin na bida na nga siya sa seryeng Madrasta.
“Everyday, nagpapasalamat ako kay Lord na wow nabigyan ako ng ganito kalaking show. Title role,” say ni Arra na napapanood din every Friday sa Bubble Gang.
“Wala akong kamuwang-muwang noon! Napaka-lost ako noon. Sa Starstruck ko natutunan ang kung ano ba talaga ang gusto kong identity. Kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay,” pahayag ni Arra
Mas pinili ni Arra ang showbiz kaysa mag-aral ng medicine. At hindi naman nabale-wala ang kagustuhan maging isang artista dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap.
ANDREA TORRES NANINIWALANG ITINADHANA SI DEREK PARA SA KANYA
NANINIWALA si Andrea Torres na si Derek Ramsay na ang lalaking itinadhana para sa kanya. Sa Instagram post ni Andrea ng larawan nila ni Derek na magkayakap.
Post ni Andrea:
“All the while I kept telling myself…God, I know this is you,” say ni Andrea.
Malinaw na malinaw na hibang na hibang at baliw na baliw na talaga sa pagmamahal si Andrea kay Derek.
Nagsimula ang pagmamahalan ng dalawa nang magsama sa seryeng The Better Woman ng GMA 7.
Magmula noon, kahit saan magpunta ni Derek ay karay-karay na niya si Andrea na tila ang sexy actress at mainstay ng Bubble Gang ang kanyang energy drink o bitamina na pampatigas ng tuhod at buto.
Umaasa ang mga nagmamahal at supporters ni Andrea na si Derek na nga raw sana ang lalaking magmamahal sa kanya ng tapat at wagas.
Kapag hindi nagtagal ang kanilang pagmamahalan o nauwi rin sa break-up ay siguradong dadagsain ng batikos si Derek at baka isipin na totoo nga na walang nagtatagal sa actor.
Magpapasabog
VICE GANDA GUSTONG MAKASAMA ANG TVJ SA ANNIV NG SHOWTIME
GUSTONG manalo ni Vice Ganda sa pasabog na performance nilang mga host sa It`s Showtime kaugnay sa pagdiriwang ng 10th anniversary ng kanilang show sa ABS-CBN.
Pabirong sinabi niya sa mga press na nakausap kamakailan na gusto niyang makasama sina Wilie Revillame at sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa gagawin niyang solo performance sa show.
“Sa production number ko, kasama ko sina Willie Revillame, hahahaha, at Dabarkads (Tito, Vic & Joey). Sila ang makakasama ko. Ganu’n ka big time ang mga kasama ko. Siguradong panalo na ako. ‘Pag natalo pa naman ako, ewan ko na lang.
“Gusto ko na kasing manalo, kaya sila na ang kasama ko. Hahahaha!” say ni Vice.
Sa performance na gagawin na niya ay wala siyang partner dahil nabunot niya ay ang “all by myself” kaya wala siyang kasamang host.
Sinakyan ni Anne Curtis ang biro ni Vice, kaya si Ruby Rodriquez naman daw ang makakasama niya sa gagawing performance sa anniversary ng kanilang show. Hirit pa ni Anne, bukod kay Ruby ay kasama rin niya ang AlDub.
“Ay, bongga rin ang kasama mo. Hahahaha!” natatawang hirit uli ni Vice.
Pero si Amy Perez nga raw ang makakasama ni Anne sa gagawin niyang production number sa anniversary ng Showtime.
Comments are closed.