PANSAMANTALANG ipinagpaliban ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 282 sa sala ni Presiding Judge Elena Amano ang pagbasa ng sakdal kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa kasong Anti-Graft and Corruption Practices Act sa September 30.
Ito ay dahil mayroon pang pending motion to quash na inihain sa Capas, Tarlac RTC at kailangan pang magkomento ang prosecution kaugnay dito.
Naging mainit din ang debate kaugnay sa kustodiya ni Guo dahil may petisyon ang Pasig RTC na ilipat ang kustodiya ni Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory, para naman sa kasong Qualified Human Trafficking na walang inirekomendang piyansa.
Pero iginiit naman ng kampo ni Guo na manatili na lang ito sa PNP Custodial Center, dahil siya ay high profile at high-risk kung magpapalipat-lipat pa ng kustodiya. Pero nabanggit din ni Judge Amano, na gusto niyang i-commit si Guo sa Valenzuela BJMP pero tumutol naman dito ang kampo ni Guo at sinabing magpipiyansa na lamang sila nang halagang P540,000 kapalit ng pansamantalang kalayaan sa kasong kinakaharap nito.
EVELYN GARCIA