ARREST ORDER KAY QUIBOLOY APRUB NA

INAPRUBAHAN  ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kahilingan ni Senador Risa Hontiveros na maglabas ng arrest order para kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy noong Martes.

Sinabi ni Zubiri na parte ng kanyang tungkulin ang pirmahan ang nasabing arrest order.

Ito ay matapos hindi makumbinsi ni Quiboloy ang Senado sa kanyang hindi pagharap sa mga pagdinig ng Committee on Women and Children na nag-iimbestiga sa mga reklamo ng pang-aabuso laban sa kanya.

“Should the witness appear during the next hearing and purge himself of contempt, there will be no need to order his arrest,” sinabi ni Zubiri.

”We reiterate that the purpose of the order of arrest is not to punish but to make the inquiry potent and compelling,” dagdag pa niya.

Tiniyak din ni Zubiri na kung madadakip si Quiboloy at mailalagay sa kustodiya ng Senado, aalagaan nila ito lalo na rin dahil sa banta sa kanyang kaligtasan.
LIZA SORIANO