(Arrival target sa 2023 nalampasan) FOREIGN TOURISTS DUMAGSA SA PH

NALAMPASAN na ng Pilipinas ang full-year target nito para sa foreign tourist arrivals, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na nakapagtala na ang bansa ng 4,822,530 million visitors hanggang November 27, na mas mataas sa 4.8 million target para sa buong 2023.

Ani Frasco, ang foreign tourists ay bumubuo sa 91.9 percent ng arrivals, habang ang nalalabing 8.1 percent ay returning overseas Filipinos.

Ayon sa DOT, ang  South Korea ang nananatiling top source market ng bansa para sa foreign arrivals na nagdala ng 1,271,602 turista o 26.37 percent ng kabuuan.

Pumangalawa ang United States of America na may 797,181; kasunod ang Japan na may 272,735; China na may 242,107; at Australia na may 225,464.

Sinabi ng DOT na ang pagtaas sa arrivals ay bunga ng pagluwag ng visa policies, pagtatayo ng tourist rest areas, at ilan pang mga bagong inisyatibo.

“This cements our position as one of the strongest pillars of the Philippine economy that employs no less than 5.35 million Filipinos in the tourism industry sector, ensuring jobs, livelihood, and the well-being of communities all over the country,” dagdag pa ni Frasco.