ARSON CASE SA QUEZON PINAIIMBESTIGAHAN

QUEZON-PINAIIMBESTIGAHAN ni Senadora Risa Hontiveros ang kontrobersyal na warrantless arrest sa grupo ng film director na si Jade Castro matapos arestuhin ng Catanauan PNP dahil umano sa panununog ng modern jeepney noong Enero 31.

Iginiit ng senadora na mismong opisyal ng lokal na pamahalaan, kung saan naaresto sina Castro ang nagsabi na wala silang kasalanan na mapapatunayan sa kuha ng CCTV footage.

Ayon naman sa PNP, hindi raw pwedeng pagkatiwalaan ang CCTV dahil maaari itong ma-edit.

Matatandaang inaresto ng Catanauan PNP ang film director kasama ang dalawang engineer at isang sales manager sa isang resort sa Mulanay matapos umanong ituro ng driver at pasahero na ang nasabing grupo ang salarin.

Inalmahan naman ito ng kaanak ng isa sa mga akusado dahil sinabi umano ng testigo na nakabonnet at armado ang mga nanunog sa naturang sasakyan.

Wala umanong report ang pulisya na may nakuhang baril sa mga suspek nang arestuhin.

Samantala pinakakasuhan na ng Destructive Arson ang Castro at ang tatlo pa nitong kasama kaugnay sa insidente ng panununog sa isang modern jeepney sa bayan ng Catanauan.

Base ito sa resolusyong nilagdaan ni Assistant Prosecutor Lito Roces Muños at inaprubahan naman ito ni Prov.Prosecutor Rodrigo Domingo.

Inaasahan at naniniwala naman ang mga counsel ni Castro na sina Atty.Carmela Peña at Free Legal Asst.Group(FLAG) Atty Chel Diokno na mababasura ang isasampang kaso sa apat na suspek at mapapalaya ang mga ito. BONG RIVERA