ART BOOK, ILULUNSAD NG CCP SA PAGDIRIWANG NG IKA-50 ANIBERSARYO

ART BOOK

HAWAKAN (at basahin) ang entire exhibit ng sariling mga kamay sa paglulunsad ng Cultural Center of the Philippines ng exhibition book na pinamagatang POSTER/ITY: 50 Years of Art and Culture. Gaganapin ito ngayong darating na November 26, 2019 sa ganap na ika-6 ng hapon sa Main Gallery, 3rd floor, CCP Main Building, Roxas Boulevard, Pasay City.

Sa naturang libro ay ipakikita ang posters na kasalukuyang in-exibit sa CCP bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 50th anniversary. Ipakikita rin at ipi-feature ang kahalagahan ng mga poster at kung paano nila pino-portray ang artistic direction ng Filipino aesthetics na nag-evolve mula 70s hanggang sa kasalukuyang panahon.

Makisaya at magbalik tanaw sa nakaraan sa pamamagitan ng musika ng artists na sina Ken Liwanag, isang alternative rock band mula sa Imus, Cavite, na magbibigay ng rendition ng kanta ng Juan Dela Cruz Band, at Cris Go, isang opera singer na mu­ling nagbigay buhay sa kanta ni Dionne War-wick na nakabase mula sa posters ng original artists past that are based from the posters of the original artists’ past concerts in the CCP.

Bilang pagdiriwang ng literary roots, ang Performatura Slam Poetry Contest grand prize winner at 2019 Palanca awardee na si Ralph Lorenz Fonte ay magpi-perform ng excerpt mula sa Francisco Ba­lagtas’ Orosman at Zafira na na-perform na noon ng Teatro Pilipino, na makikita sa isa sa mga poster sa exhibit. Magkakaroon din ng talks at messages mula sa mga taong eksperto sa naturang larangan gaya nina Ringo Bunoan, Baby Imperial at CCP’s chief librarian Alice M. Esteves.

Bilang pakikiisa ng CCP sa selebrasyon ng Philippine Book Development Month, ang naturang book launch ay libre at bukas sa publiko. Para sa iba pang impormasyon sa nasabing book launch, i-check ang CCP Intertextual Division Facebook page or contact Intertextual Division at [email protected], 8551-5959 or 0919-3175708.

Maaari ring ma-contact ang CCP Visual Arts and Museum Division, Production and Exhibition Department at loc. 1504/1505 and (632) 8832-3702, mobile (0917) 6033809, email [email protected].

Comments are closed.