PINAG-AARALAN na ng pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibleng pagbabawal sa paggamit ng mga deepflakes at Artificial Intelligence o AI sa panahon ng kampanya ng mga tumatakbong opisyal ng pamahalaan.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kukumbinsihin niya ang Commission en banc na ipagbawal sa kampanya ang paggamit ng mga nasabing teknolohiya upang maiwasan ang pagkalito ng mga botante, misrepresentation at maraming hindi makakatotohanang nangyayari kapag ginagamit ang AI.
“Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi?” saad ni Garcia subalit kailangan aniya kapag kampanya ay nakikita ka mismo ng sambayanan.
Dahil dito, nais ni Garcia na mapakinggan ang saloobin ng en banc kaugnay sa isinusulong niyang pagbabawal sa paggamit ng AI at deepflakes sa nalalapit na kampanya. PAUL ROLDAN