UMAPELA ang mga pharmaceutical company sa mga consumer na huwag mag-overstock ng vitamins sa harap ng pag-taas ng demand para rito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“The high demand for vitamins has also resulted in an artificial medicine shortage,” pahayag ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).
Pinayuhan ng PHAP ang mga consumer na huwag mag-overstock sa vitamins upang hindi maubusan ang vulnerable patients at at-risk groups bagama’t dinaragdagan umano nila ang kanilang produksiyon.
“We are accelerating production and working hard to manage a good level of inventory as much as possible. We also encourage patients to only buy and use medicines that are prescribed by their doctors,” sabi ng PHAP.
Napag-alaman na maraming drug stores ang wala nang stock ng vitamins dahil sa napakataas na demand. Maging ang suplay ng pediatric vitamins ay apektado rin umano.
Sinabi ng industry group na ginagawa ng mga miyembro nito ang lahat para madagdagan ang manufacturing capacity.
Gayunman ay idinaing ng PHAP na apektado rin ng pandemya ang kanilang mga miyembro na kailangang harapin ang pagkakaantala ng manufacturing dahil sa mahigpit na health protocols.
Comments are closed.