Artist Tam Austria, itinatag ang Dangal-Lahi Foundation!

MATAPOS  ang ilang taong pagpaplano, nagkaroon ng katuparan nitong Abril ang pagtatatag ng Dangal-Lahi Foundation, Inc. na pinamumunuan ng beteranong alagad ng sining, si G. Tam Austria.

Pinasinayaan nitong Abril 16, 2023 ang foundation kasabay ng art exhibition ng 36 visual artists sa Lagakan ng

Sining sa tradisyonal na mansiyon ni Austria sa Antipolo City.

Ang mansion ni Tam ang magiging venue ng mga artist para ma-display ang kanilang mga Obra for possible sale.
Magiging artist Heaven ang white mansion na ang building ay mala-gothic ang dating.

Si Tam P. Austria ang founder and Chairman DLFI, samantala ang board of directors ay binubuo nina actor/artist/singer Mike Austria, Samuel King A. Sagaral III, Celso Pepito, singer-artist Anthony Castelo at Danilo Sagaral.

Sa inauguration day, naging solo performer ang member artist at Soprano Diva Kathy Hipolito Mas. Inawit niya ang ilang unforgettable hit songs from classical, pop to kundiman.

Dumating din ang mga estudyante ni Kathy mula sa 3DLifeHouse Music School, 3D Morning Star Drive, Sanville Subdivision, Brgy. Culiat, West Avenue, Quezon City.

Estudyante ni Kathy ang nagparinig ng magandang awitin na kung saan siya ang nag-Invocation song, si KM Oliveros. Ang genius pianist na discovery ni Kathy, si Francis Jacob Matias, ang tumugtog sa piano ng mga inspiring unforgettable music.

Dumating din ang veteran actor-singer Ernie Garcia, na friend ni Kathy. Si Ernie ay member din ng foundation; George Sison-Tagle at ang minamanage nitong talent na si O’win na kumanta rin sa programa.

Present din ang Perfect Harmony Quartet at ang accompanying pianist Ms.MaryAnne Baclao, ang tumugtog sa mga song ni Kathy. NOEL ASINAS