ARTISTA, TV HOSTS SA DROGA TINUTUTUKAN NG PDEA

PDEA Director General Aaron Aquino

DESIDIDO ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasuhan ang mga artista na lulong at nagbebenta ng droga.

Ito ay sa pamamagitan ng case build-up laban sa ilang showbiz personalities, TV hosts at anak ng ilang kilalang personalidad na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino na nakuha nila ang pangalan ng mga nasabing mga personalidad mula kay Rajiv Gidwani, Indian national,  na nahuli sa isang exclusive village sa Alabang, Muntinlupa City.

Nakuha mula sa suspek ang ilang party drugs, marijuana at shabu at sa interogasyon, inamin nito na supplier siya ng droga ng ilang celebrities.

Kinasuhan na si Gidwani ng paglabag sa anti-illegal drugs act samantalang sasampahan din ng reklamo ang kanyang ama dahil sa tangkang panunuhol sa mga PDEA agents.         VERLIN RUIZ

 

2 thoughts on “ARTISTA, TV HOSTS SA DROGA TINUTUTUKAN NG PDEA”

  1. 278884 283022I was recommended this web internet site by my cousin. Im not certain whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. Youre amazing! Thanks! 480713

Comments are closed.