CAMP CRAME – DALAWANG artist sketch ng umano’y pumaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort nito ang isinapubliko ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa nakalap ng PILIPINO Mirror, sa pagsasalarawan ng nakasaksi, ang killer ay lalaki na nasa edad 40-anyos, may taas na 5’6” hanggang 5’8.”
Kayumanggi umano ang kulay ng lalaki at may peklat sa kanang pisngi.
Ang naturang suspek ay nagmaneho ng motorsiklo na namataan sa lugar ng krimen.
Ang isa pang suspek ay lalaki na ang edad ay tinatayang 30-anyos, may taas na 5’4” hanggang 5’6.”
Nauna nang sinabi ng PNP na nasa anim na katao ang itinuturing nilang “persons of interest” sa Batocabe slay.
Samantala, itinaas na sa P50 milyon ang reward para sa makakapagturo sa mga responsable sa pagpaslang kay Batocabe, na kandidato sa pagka-alkalde sa Daraga, Albay.
Si Batocabe ang pinakamataas na opisyal na pinaslang ngayong taon habang nasa walong bilang ang kabuuan ng inambus na local executives kung saan kabilang ay sina Vice Mayor Jonah John Ungab ng Ronda, Cebu; Mayor Ronald Tirol ng Buenavista, Bohol; Trece Martirez Vice Mayor Alexander Lubigan; VM Al Rashod Muhammad Ali ng Tawi-Tawi; Mayor Mariano Blanco ng Ronda, Cebu; Mayor Alexander Buquing ng Supiden, La Union, Gen. Tino, NE Mayoro Ferdinand Bote at ang kontrobersyal na pagpaslang habang nasa flag raising na si Mayor Antonio Halili.
EUNICE C.
Comments are closed.