PINATINGKAD ng waterlily-inspired gowns at costumes at handicrafts na gawa sa waterlily, ang pagdiriwang ngayong taon ng 13th Las Piñas Waterlily Festival na idinaos noong Biyernes sa Villar SIPAG grounds in Las Piñas City.
Ang taunang pagdiriwang na pinasimulan ng anak ng Las Piñas na si Sen. Cynthia A. Villar, ay dinaluhan ng mga pamilya. dayuhan at lokal na turista upang masaksihan ang exhibit display na likha mula sa waterlily products at upang makilahok sa handmade paper demonstration gamit ang nasabing aquatic blooms.
Pinuri ni Villar, na siyang nanguna sa paggamit ng waterlilies bilang raw materials sa handicrafts, kung papaanong naipakilala ng mga manghahabi o weavers ang modernong konsepto para sa pag-unlad at produksiyon ng artistikong waterlily baskets, bags, textiles, trays, mats, hampers, slippers, chests, lampshades at iba pang produkto.
“We have come a long way with the idea of transforming these flowers into unique arts and crafts. From swamping our waterways and causing floodings in our city, these lovely blooms have become stable sources of livelihood not only for Las Piñas residents but also for many of our kababayans, especially those who live near the rivers,” pahayag ni Villar.
Nagpahayag ng pag-asa ang senadora na ang lumalagong weaving at handicrafts industry ay makahimok ng maraming entrepreneurs at mga residente upang lumahok sa waterlily-making businesses at maparami pa ang gamit ng bulaklak nito.
“I am always excited to see new products made out of these waterlilies. I look forward to the time that the waterlily industry is named as among the country’s top earning industries and waterlily-made products considered as major goods for export to other countries,” pahayag ng senadora.
Lumahok sa exhibit display ang Water Lily Arts & Crafts Center ( Las Piñas City), Sta. Rosa Livelihood Organization Inc. (Sta. Rosa, Laguna), Cardona Livelihood Products (Cardona, Rizal), Kabuhayan sa Water Lily (Cainta, Rizal), Joneg Foundation (Teresa, Rizal), Pililla Waterlily Weavers (Pililla, Rizal), Maynilad Waterlily Weavers (Potatan, Muntinlupa) at Pateros Weavers.
Bukod sa mga produkto, naging tampok din sa festival ang parada ng 13 naggagandahang dilag na kalahok sa Miss Las Piñas Water Lily 2018 suot ang walang katulad na disenyong mestiza terno na gawa sa 100 porsiyentong waterlily.
Kakaibang costume din ng mga lumahok sa streetdancing competition na junior highschool students, ang nagbigay ng kasiyahan sa mga manonood.
Si Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, ay isa sa board of judges ng beauty pageant, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa 13 barangays, at sa streetdancing competition.
Comments are closed.