Artworks ng mga artista at showbiz personalities tampok sa QC

“Artworks” o likhang sining ng mga artista at iba pang celebrities mula sa pinilakang tabing ang itinampok sa Screenscape Group Art Exhibition sa White Room Gallery ng Seameo Innotech nitong Miyerkoles ng gabi upang bigyang pansin ang talento sa ganitong larangan ang mga nasa industriya ng showbiz.

Ipinaliwanag ni Nestie Ortiz,isa sa Events Organizer at Events and Artist Coordinator ng White Room Gallery na layunin din ng mga nag-organisa ng naturang kaganapan na bigyan ang mga itinampok na mga artista at personalidad sa showbusiness at mula sa iba pang larangan ng sining mula sa teatro pelikula, telebisyon, maging sa musika, na mabigyan ng ganitong uri ng exposure at karanasan para sa kanilang mga nilikha.

Ayon kay Oritz pangunahing naging basehan ng mga pagpili sa participants na lumahok sa naturang art exhibit ay ang kanilang availability upang lumikha ng mga art works na ang kalidad ng gawa ay papasa sa screening committee sa Seameo Innotech na pinangungunahan ng Center Director na si Dr. Leonor Briones na dating Kalihim ng Department of Education (DepEd).Ayon kay Ortiz, ang bawat tao ay may angking kakayahan lumikha ng artworks na kailangan linangin maging anuman anya ang profession ng mga ito.At ang layunin ng naging proyekto ay bigyang pansin ang sining upang bumalanse sa siyensya, akademya at iba pang pinagtutuunan ng pansin ng Seameo Innotech na isa sa partner ng naturang organizers.

Ang mga kalahok na mga showbiz personalities sa naturang art exhibit ay sina Ninna Ricci Alagao-Flores, Leandro Baldemor, Reb Bellesa, Sharmaine Buencamino, John Lloyd Cruz, Lotlot de Leon, John Paul Duray, Ernie Garcia, Baron Geisler, Louie Igancio, Noble Queen of the Universe Jeanette Kamphuis, Maria Isabel Lopez, Jao Mapa, Sandino Martin, Melissa Mendez, Elizabeth Oropesa, Evangeline Pascual, Epy Quizon, Jet Rai at Cris Villanueva.

Ipinaliwanag ng aktor at artist na si Dranreb Belleza na isa sa organizer ng naturang event, na isinama niya rin ang ilan niyang kaibigan na kilala niyang gumagawa ng sining sa mga kalahok. “We organized this show and all of the participating artists, here also it showed camaraderie in it and inclusivity.And it’s a good feeling.Ever since I was a child, for a very long time.I had been in arts.There were other actors and showbiz personalities in the 50s Mario Montenegro.In this era, you may say that, I had been very active in arts.How did he choose the artists that will be included here, from a list given to him because he had exhibitions with them also.I added John Lloyd Cruz, Baron Geisler, and I added a few of my friends as well,”ayon kay Bellesa.

“I feel honored to be a part of this event,” ang sabi naman ng aktor na si Cris Villanueva. “It’s always a pleasure to be part of an art exhibit because us as artist, artista we have that silent side.Where we express olurselves.Putting together the echoes of artistry. It’s just a moment when you just feel that you just need to put it on the brush.She had been doing this for a long time,” ayon sa aktres at beauty queen na si Evangeline Pascual.

“You get to expose your art works.I was an architecture student in college so I understand free hand drawing.That’s how I started, pero kung baga in my years in show business, there is a point in my life I decided to paint again. Nung pandemic kailangan natin kumita.Medium oil and acrylic.Kasi that’s the easiest to sell.I gave them a pandemic price,” ayon naman sa aktor na si Ernie Garcia.

Matutunghayan ang art exhibit hanggang hanggang sa Pebrero 7 ng taong ito. Ang Gallery schedule ay mula Martes hanggang Biyernes at bukas sa publiko na ibig makita ang mga nilikha ng mga kasapi sa pinilakang tabing.

“Screencapes amplifies the narrative of recognizing the artistic diversity within the entertainment world.It acclaims the artistic expression from a rarely accessed watch tower as it beams the seach light on prominent artists whose talents shine beyond the screen and the stage,” ayon naman kay Prof. Ruben, D.F. Defeo of the U.P. College of Fine Arts and Exhibition Center.

“Within this impressive rank are screen actors who actually took formal education in the visual arts like Belleza, Lopez, and Mapa. Buencamino attended the Philippine High School for the Arts in Makiling, Los Banos.Baldemor, Mendez, and Villanueva come from famed families of visual artists.

But all of them(participants) exhibit innace passion for visual arts, doodling and doing arts prodigiously since their childhood,:ayon kay Defeo.