ASAHAN PA ANG PRICE HIKE SA LANGIS

TATLONG dahilan ang tinukoy ng Oil Industry Management Bureau kung bakit magkakaroon ng price hike sa langis sa susunod na linggo o sa January 7.

Sa taya ng oil industry sour­ces hanggang piso ang maa­aring price hike sa produktong pet­rolyo.

Samantala, ang tatlong dahilan ay, una ay ang pagpapalawig ng production cut na 2.2 million barrels  kada araw na itinulak ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Habang tumataas ang demand sa mga malalaking bansa sa Estados Unidos at Europa.

At ang ikatlong dahilan ay ang nagpapatuloy na geopolitical ten­sion sa Middle East na sanhi ng pagkaantala ng delivery ng langis sa world market.

Dahil sa nasabing senaryo, magiging mailap ang rollback sa mga susunod na araw at sa halip pataas ang presyo ng gasolina, diesel  at iba pang oil products.

Domino effect naman nito ang pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na ang agriculture products na karamihan ay nasa probinsya na dinadala sa Metro Manila.

Gayunpaman, maaari namang asahan ang gagawing hakbang ng pamahalaan upang ibsan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at mga pa­ngunahing bilihin.