(Asahan sa susunod na linggo) BIG-TIME OIL PRICE HIKE NA NAMAN

petrolyo

PANIBAGONG malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P1.80 hanggang P1.90.

Samantala, nasa P1.40 hanggang P1.50 kada litro naman ang tinatayang dagdag-presyo sa gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na may price increase sa petrolyo.

Noong nakaraang Martes, ang presyo ng diesel ay tumaas ng P1.80 kada litro, gasolina ng P0.90 kada litro at kerosene ng P2.30 kada litro.

Sa datos ng  Department of Energy (DOE), hanggang noong January 11, 2022, ang year-to-date adjustments ay may total net increase na P2.60 kada litro para sa gasolina, P3.50 kada litro sa diesel, at P2.74 kada litro sa kerosene.

Noong 2021, ang net increase ng gasolina ay nasa P17.65 kada litro;  diesel, P14.30 kada litro; at kerosene, P11.54 kada litro.