ISA na namang big-time oil price increase ang inaasahan sa susunod na linggo.
Ito na ang ika-7 sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng diesel ay tinatayang tataas ng P1.00 hanggang P1.10 kada litro.
Nasa P1.10 hanggang P1.20 kada litro naman ang inaasahang pagtaas sa presyo ng gasolina.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Pebrero 8, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P1.05 kada litro, at diesel ng P1.20 kada litro.
Ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay may kabuuang pagtaas na ng P6.75 kada litro at diesel ng P9.15 kada litro.