MATAPOS ang rolbak ay may inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa abiso ng Unioil Petroleum Philippines nitong Sabado, ang presyo ng diesel ay tataas ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro habang ang gasolina ay posibleng magkaroon ng minimal increase na P0.10 hanggang P0.30 kada litro.
Noong nakaraang Martes, Pebrero 21, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.90, at diesel ng P1.05, habang may bawas na P0.25 kada litro sa kerosene.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang February 21, 2023, ang year-to-date net decrease ay nasa P1.10 kada litro para sa diesel at P0.50 kada litro para sa kerosene.
Para sa gasolina, ang year-to-date adjustment ay nasa net increase na P6 kada litro.