ASAL NI TULFO BASEHAN NG PULL-OUT NG SECURITY ESCORT – PNP

albayalde and tulfo

CAMP CRAME – INA­MIN ng pamunuan ng Philippine National Police  (PNP) na isa sa mga dahilan sa pag-recall sa security escort ng radio personality na si Erwin Tulfo ang pambabastos nito kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

“Good moral character” is part of the criteria for the grant of police escorts as in permits to carry firearms, pahayag PNP chief P/General Oscar Albayalde nitong Lunes.

Habang inakusahan naman ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) ng pang aabuso sa freedom of press si Erwin Tulfo.

Samantala sa panig naman ng PNP, “Sino bang maniniwala sa amin kung sasabihin namin na walang kinalaman iyon?” ani Albayalde. Subalit nilinaw ng opisyal na  hindi iyon ang pangunahing dahilan sa pag-aalis nila ng security Escor ni Tulfo.

Una rito, binawi rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) particular ng Philippine Marines ang  security detail ni Ramon Tulfo ang nakatatandang kapatid ni Erwin, bagama’t sinasabing wala itong kaugnayan sa maanghang na pahayag ni Erwin laban kay  Social Welfare Sec. Rolando Bautista. VERLIN RUIZ

Comments are closed.