Asan ang Pasalubong ko?

KAPAG umalis ang isang Pinoy, Sabihin nating lumuwas sa Maynila galing sa probinsya, inaasahan na ng mga kaibigan at kaanak, na sa kanyang pagbabalik, meron siyang something na ibibigay sa kanila. Isa itong tradisyon ng mga Filipino bilang pasasalamat sa mga nag-welcome sa kanyang pagdating.

Isang tradisyon sa mga Filipinongbmanlalakbay ang magdala ng maliliit na regalo Mula sa destinasyong pinanggalingan, para sa mga kaibigan at kaanak, back home.

Pwede naman kahit anong pasalubong. Kahit anong souvenir basta may dala ka.

Mga balikbayan at Overseas Filipinos Workers ang kadalasang nahihingan ng pasalubong, at kung Minsan nga ay naaabuso na sila. Akala kasi nila, basta balikbayan at OFW, maraming pera, kaya pati kapitbahay na dati namang hindi ka-close, aba, nakapila sa chocolate.

Sa tradisyong Filipino, ang pasalubong ay pagpapahayag ng concern — naaalala mo sila habang nasa malayo ka, kaya binilhan mo sila ng pasalubong. Isa itong paraan ng pagpapahayag ng affection and thoughtfulness at ekspresyon na mag-share ng mga karanasan, at magdala ng bahagi ng iyong pinuntahan sa mga naiwang sa Pilipinas.

Sa tunay na kaibigan, maliit o malaking pasalubong ay nagbibigay ng saya. Wala ring kinalaman ang presyo. Ang mahalaga ay naalala ka. It’s the thought that counts, wika nga. Naniniwala ang mga Filipinos sa sharing the blessings, at kung holiday season, mas tumitindi pa ito. Ang act of giving ay expression of love, gratitude, at kagustuhang makapagpasaya. Iyan ang layon ng pasalubong — to express care, gratitude, and a sense of connection sa pagitan ng nagbigay at binigyan. Ito ay gesture ng thoughtfulness at isang paraan upang magbahagi ng saya ng paglalakbay o pagbisita. Hindi na ito maaalis sa mga Filipinos dahil ang pasalubong tradition – sa seryosong usapan, ay bàhagi na ng kanilang DNA!

Sa pagbalik naman ng balikbayan sa kanyipinagmukan, pupunuin naman siya ng Pinoy Pabaon. Kadalasang, halayang

Ube, dahil paborito ito ng halos lahat ng Pinoy. Kaya lang, madaling masira, kaya Strawberry Jam na lang, kapeng barako, choco Flakes, Tupig, Buko Pie, Pastillas De Leche o Pili Nuts, depende sa kung saan tumira ang balikbayan.

Ang pabaon at base sa principle of reciprocity – favour-doing or gift-giving.

Bawat bansa ay may kani-kanyang kultura at kaigalian sa pagbibigay at pagtanggap ng regalo o pasalubong. Pero

Wala tayong pakialam sa kanila. Basta sa atin, sa Pilipinas, nagbibigay tayo ng pasalubong, period! JAYZL VILLAFANIA