COTOBATO CITY- HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinaghahanap ang isang doktora at asawa ng dating heneral ng Philippine National Police (PNP) na pinaniniwalaang dinukot sa lalawigang ito.
Batay sa report ng pulisya, ang biktima na nakilalang si Dra. Marivic Tello, isang Obstetrician- Gynecologist at may mataas na tungkulin sa Cotobato Regional Medial Center.
Napag-alaman na huling nakita ang biktima noong nakalipas na Linggo matapos na lumabas ng compound ng naturang Medical Center at mula noon ay hindi na nakauwi pa ito sa kanilang bahay.
May hinala ang mga kaanak at mga kaibigan ni Tello na may posibilidad na ang pagkawala ng biktima ay isang kaso ng kidnapping.
Nabatid na ang nawawalang si Tello ay asawa ni retired General Agustin Juan Tello, dating Provincial Police Director ng buong Maguindanao Province bago pa nahati ito sa dalawa at naging Maguindanao Del Sur at Del Norte noong 2020.
Nakahandang magbigay ang Local Government Unit ng Cotobato City halagang ng P300,000 kung sino ang magkapagbibigay ng kahit na anong impormasyon at makakatulong upang matagpuan ang nawawalang doktora. EVELYN GARCIA