MAKARAAN ng pagkasawi ng 67 pulis dahil sa coronavirus disease, muling pinaalalahanan ni PNP Administrative Support for COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander at Deputy Chief for Administration (TDCA) PLt. Gen. Joselito Vera Cruz na maging maingat sa kalusugan.
Payo ni Vera Cruz, dapat palagiang sinusunod ng mga unit commanders ang Anti-Covid-19 strategy ng gobyerno.
Ito ay ang Prevent-Detect-Isolate-Treat- Reintegrate (PDITR) para maiwasan na may mga pulis na masawi sa nakamamatay na virus.
Noong Hunyo 2, 2021, pinulong ni Vera Cruz ang ASCOTF at binigyang-diin na istriktong sundin ng mga pulis ang Minimum Public Health Standard (MPHS) na siyang magsisilbing proteksiyon laban sa COVID-19 habang sila ay naka-duty.
Hinimok din ni Vera Cruz ang mga pulis na palakasin ang kanilang immune system sa pamamagitan ng pag-ehersisyo at pag-inum ng vitamins at supplements habang hinihintay na mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga nasa A4 category.
Samantala, pansamantala munang itinigil ng PNP ang kanilang vaccination program matapos maubos ang supply na ibinigay sa kanila ng Department of Health (DOH).
Gayunman, inaabangan ng PNP ang panibagong vaccine allocation para sa mga A4 category kung saan kabilang na dito ang mga heneral ng PNP. EUNICE CELARIO
323782 709077I would like to see much more posts like this!.. Great blog btw! reis Subscribed.. 248889