ASEAN EDUCATION CHAIRPERSONSHIP NILIPAT NG PINAS SA VIETNAM

MATAPOS ang dalawang taong pamumuno ng Department of Education ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Education Sector, ipinasa na ito ng bansa sa Ministry of Education and Training ng Vietnam.

Ayon kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones, “We would like to give our deepest appreciation to the members of the Association of Southeast Asian Nations, Secretaries and Ministers of Education in the Region, and other officials for supporting us during our tenure.”

Sa loob ng nasabing panahon, nakatulong ang DepEd na asistihan ang mga kalapit na bansa sa paggawa ng initiatives at mga ideya upang mapaghusay ang education delivery, sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19. Isang hamon umano ang pamumuno dito ngunit nakita naman nila ang suporta ng mga member countries kaya naging madali ang lahat.

Gabay ang temang “Transforming Education the ASEAN Way: Forging Partnerships in the Global Age of Disruptions,” binigyang diin ng Philippine chairpersonship ang pagkakaisa ng mga ASEAN Ministries of Education upang masigurong patuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral kahit sa panahong ito na online at modular lamang ang paraan ng pag-aaral.

Sa ilalim ng pamumuno ng ating Departmento, pinabilis nila at pinamunuan ang 26 meetings at ipinatupad ang 10 documento at deklarasyon upang masiguro ang koordinasyon sa kabila ng travel restrictions.

Nakipagtulungan ang DepEd sa Commission on Higher Education (CHED) ate Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) habang sumusunod sa prinsipyo ng trifocalized education system.

Kaugnay nito, inilipat na ang pamumuno kay Prof. Dr. Nguyen Kim Son sa ASEAN Education Ministers Meeting, ASEAN Plus Three Education Ministers Meeting, East Asia Summit Education Ministers Meeting, at iba pang kaugnay na senior officials’ meetings. Siya ang pinuno ng Ministry of Education and Training sa Vietnam.

“On behalf of the Department of Education, we would like to congratulate the Vietnam’s Ministry of Education and Training as they take over the ASEAN Education Sector’s organizations. Rest assured that you have the country’s support in your plans moving forward,” ani Secretary Briones.

Ang flow of chairmanship sa mga kasaping bansa ng ASEAN education sector ay alphabetical order. gayunman, dahil sa demands ng kasalukuyang chairmanship ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) council, sa 2024 pa mapapasakamay ng Singapore ang pamumuno sa halip na sa taong ito, matapos ang pamumuno ng Vietnam.

Lahat ng ASEAN+6 na bansang kasama dito ay may legal na probisyon para sa libre at compulsory education sa basic education.

Ang education system structures ay ang sumusunod — 6+3+3 o 6+4+2 system. Sa Pilipinas, ang sinusunod at 6+4+2 kung saan anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Junior High School at dalawang taon sa Senior High School. Ni KAYE NEBRE MARTIN