ASEAN NATIONS NAGKAISA VS CYBERCRIME

Eduardo Año

NAGKAISA ang mga magkakaalyadong bansa sa Southeast Asia na kailangan magkabigkis-bigkis upang tutukan at labanan ang dumada­ming  cybercrime cases sa gitna ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Sa nabuong deklaras­yon o joint statement sa ginanap na 14th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC) kamakalawa, nagpahayag ang mga dumalong  Ministers/High-Level Representatives mula sa ASEAN member countries ng kanilang dedikasyon at  commitment sa pagsugpo ng transnational crime.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary at AMMTC-Philippines head Eduardo M. Año, kailangan mas paigtingin pa ng law enforcement units sa  ASEAN region ang kakayahan kontra cybercrimes dahil na rin sa nakakaalarmang  pagsirit ng cyber threats kabilang ang  59% pagtaas sa  phishing/scam/fraud, 36% malware/ransomware, 22% malicious domains, at  14% sa fake news.

“We join hands in solidarity, and to maintain close coordination to overcome these difficulties and pledge to do our utmost to contribute toward the expeditious return to normalcy in the post-CO­VID-19 world,” nakapaloob sa inilabas na  joint statement ng mga kinatawan ng ASEAN member na dumalo sa pagpupulong.

Inilatag ni Año sa pagpupulong na mahalaga na magsagawa ng mga pagbabago sa  regional programs, strategies, mechanisms, at  capacity-building initiatives para mabigyang daan ang  regional cooperation sa global pandemic.

“The ASEAN community must continue to unite its actions in addressing new forms of transnational crimes and the CO­VID-19 pandemic. In this un-precedented situation, let us remain committed to weathering all storms, and together, we will heal as one,” anang kalihim.

Mariing sinabi rin ni Año na kailangan palakasin ang kabataan at maging ang  tinuturing na vulne­rable sectors at ang tuloy-tuloy na pagpapalitan ng kaalaman at kasanayan.

Hinikayat din ng kalihim na kailangan na magsagawa ng pananaliksik hinggil sa  mga mahusay na pamamaraan para magsagawa ng mga pagsasanay at programa.

Nagsilbing host sa 14th AMMTC meeting ang Socialist Republic of Vietnam na dinaluhan ng ASEAN Ministers/High-Level Representatives mula  Brunei Darus-salam,  Kingdom of Cambodia, the Republic of Indonesia, the Lao People’s Democratic Republic, Malaysia, Republic of the Union of Myanmar, ang  Republic of the Philippines, ang  Republic of Singapore, ang  Kingdom of Thailand at  Socialist Republic of Viet Nam. VERLIN RUIZ

Comments are closed.