ASEAN PARA GAMES MEDALISTS TUMANGGAP NG CASH INCENTIVES

TINANGGAP ng mga medalist sa 11th ASEAN Para Games na idinaos sa Solo, Indonesia ang kanilang cash incentives na nagkakahalaga ng P11.9 million mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagpasalamat si Philippine Paralympic Committee president Michael I. Barredo sa gobyerno at sa PSC na pinamumunuan ni Chairman Noli Eala para sa bonuses makaraang mag-uwi ang Team Philippines ng 28 gold, 30 silver at 46 bronze medals.

“Receiving these cash incentives will be of great help to our national para athletes and coaches considering these times of financial difficulty,’’ wika ni Barredo, na kasalukuyang dumadalo sa International Paralympic Committee extraordinary general assembly and membership gathering sa Germany.

Ang mga coach ng medal-winning para athletes ay tatanggap ng bonus mula sa pamahalaan na katumbas ng 50 percent ng insentibo na tinanggap ng kanilang mga alaga.

Ang P11,998,125 ay inilabas base sa Republic Act 10699, na kilala rin bilang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Sa ilalim ng batas, ang gold medalists sa ASEAN Para Games ay tatanggap ng P150,000 na cash rewards, ang silver medalists ay P75,000 habang ang bronze medal ay katumbas ng P30,000.

“Hopefully this will serve as motivation for our para athletes to prepare even better in the coming international competitions next year such as the 12th ASEAN Para Games and 4th Asian Para Games,’’ sabi ni Barredo.

“Again, we congratulate our athletes and coaches headed by Chef de Mission and Philippine Paralympic Committee secretary general Walter Francis K. Torres for a job well done and for making our countrymen proud of their achievements,’’ dagdag ni Barredo.

CLYDE MARIANO