PHNOM PENH— Pinataob ng Pilipinas ang Indonesia, 11-5, sa men’s 3×3 basketball sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 12th ASEAN Para Games kahapon sa Elephant Hall A ng Morodok Techo National Stadium dito.
Pinangunahan nina sweet-shooting Kenneth Tapia at bull strong Alfie Cabanos ang decisive run na bumasag sa 5-5 deadlock upang maitakas ang panalo para sa Vernon Perea-mentored dribblers, na determinadong kunin
ang gold matapos ang silver-medal finish sa edisyon noong nakaraang taon sa Surakarta, Indonesia.
“So far, so good,” wika ni Perea, na ang iba pang players ay sina Clifford Trocino, JR Escalante at Rene Macabenguil.
Hanggang press time, ang mga Pinoy ay nakikipagbakbakan sa host Cambodians, sa Thais at sa Malaysians.
Mapapalaban ang chess team, sa pangun- guna ni Surakarta Para Games quadruple gold winner Sander Severino, simula ngayong alas-9 ng umaga sa Royal University sa rapid chess na magtatapos bukas.
Ang Filipino woodpushers ay nagbigay ng 10 sa 28 mints na naiuwi ng bansa noong nakaraang edisyon at kumpiyansa si coach James Infiesto sa kanilang tsansa na ma- pantayan ito, kung hindi man mahigitan.
“We’re hoping to improve from last time,” sabi ni Infiesto.
Isang ceremonial flag ceremony ang idinaos kahapon ng umaga na dinaluhan ng heads ng National Paralympic Committees, chiefs of mission at ilang atleta mula sa 11 participating nations, kabilang sina Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo at PSC commissioner at CDM Walter Torres.