ASEAN SENIOR OFFICIALS MEETING ON SPORTS UMARANGKADA NA

SINIMULAN ng mga delegado mula sa lahat ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) member-countries ang serye ng pagpupulong para sa 9th ASEAN Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-9) na nakatakda sa Manila mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 10.

Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang bonds at interaction sa loob ng rehiyon sa pamamagitan ng sports cooperation.

Kinuha ng Filipinas ang chairmanship ng SOMS-9 mula sa da­ting host  Myanmar.  Pinasalamatan ni SOMS-9 chairperson, Philippine Sports Commission (PSC) Executive Director Merlita Ibay ang lahat ng dumalo at tiniyak na ang commitments na isinagawa ng ASEAN member-countries sa ilalim ng 5-year ASEAN Work Plan on Sports 2016-2020 ay ipagpapatuloy at matatapos sa ilalim ng chairpersonship ng bansa.

Ang pagpupulong ay sumentro sa paghahanda para sa Joint Bid for the FIFA World Cup 2034 at sa pangangailangan na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang stakeholders kaugnay sa bagay na ito.

Sa parehong miting ay napagkasunduan din na iho-host ng Malaysia ang  initial meeting para sa pagbuo ng e-sports federation sa rehiyon tulad ng ipinanukala ni Malaysian Head of Delegation and Director General of the Malaysian National Sports Council Ahmad Shapawi Bin Ismail. Ang lahat ng delegasyon ay nagpaha­yag ng suporta sa pagbuo ng naturang ASEAN sports association.

Samantala, pangungunahan ni PSC Chairman William Ra­mirez ang 5th ASEAN Ministerial Meetings on Sports bilang chairman nito ngayong araw.

Comments are closed.