INAASAHANG dadagsa ang mga kalahok mula sa iba’t ibang clubs, schools at universities sa bansa sa ASEAN Taekwondo Speed Kicking Online Tournament na lalarga sa Sabado, Oktubre 3.
Ang torneo ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) at ng Asean Taekwondo Federation (ATF).
Sasabak din sa torneo ang mga kinatawan mula sa mga bansa sa Southeast Asia, gayundin sa iba pang panig ng mundo.
Bukod sa Filipinas bilang host, kabilang din sa mga bansang lalahok sa virtual ASEAN taekwondo speed kicking championships ang Myanmar, Laos, Singapore, Indonesia at Vietnam.
Inihayag ni PTA grassroots director at ATF secretary-general Stephen Fernandez na nais nilang ipagpatuloy ang naging matagumpay na kampanya ng unang torneo na sinimulan sa bansa noong Hulyo, gayundin ang mabigyan ng pagkakataon ang mga Kyorugi jins na magsagawa rin ng sarili nilang torneo na ibinabase sa Poomsase events gamit ang rin virtual platform.
“We can look forward on other aspects of training besides using online preparations. In this way we can also promote online instructional and virtual competition programs of the association and spearheading the program for the youth,” pahayag ni Fernandez sa lingguhang TOPS: Usapang Sports.
Susunod na isasagawa ang Global Speed Kicking Championship sa Oktubre 23-25 na inaasahang lalahukan ng mga taekwondo jins mula sa 30 hanggang 40 bansa sa buong mundo.
Nagpahayag na ng interest ng paglahok ang mga bansa sa Europa at North America.
Comments are closed.