IKINATUWA ni ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) Executive Director Dr. Theresa Mundita S. Lim ang pahayag ng mga ASEAN Member States (AMS) na tutulong sila upang mabawasan ang basurang plastic sa rehiyon.
Sa report, ipagbabawal ng ASEAN ang paggamit ng plastic, at susuportahan ng member states ang pagbabawal sa paggamit ng kahit anong uri nito.
Plano ng Brunei Darussalam na tuluyang ipahinto ang paggamit ng plastic bags sa mga supermarket sa 2019.
Pinagagamit din ng reusable at eco-friendly bags sa mga mall at supermarket bilang bahagi ng programang ito.
Noong Hunyo 12, 2018, nanawagan ang gobyerno sa publiko sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na iwasan ang paggamit ng plastic na nakababara sa daanan ng tubig-baha.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, malaking pinsala ang nagagawa ng plastic sa kalikasan kaya kung hindi kayang itapon ito sa tamang tapunan ay huwag na lamang itong gamitin.
Ang Filipinas ay ikatlo sa pinakamaruming bansa sa buong mundo at nangunguna naman sa Asia dahil sa dami ng single-use plastic na nakasisira sa karagatan. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.