ASF OUTBREAK SA 2 QC BARANGAYS

Agriculture Secretary William Dar-4

KINUMPIRMA ni Agriculture Secretary William Dar na isinailalim sa quarantine ang dalawang barangay sa ­Quezon City na natuklasang may mga kaso ng African swine fever (ASF).

“May dalawang area, isa sa Payatas at isa sa Bagong Silang. So, mayroon pa outbreaks po, Sec. Mart [Presidential Communica-tions Ope­rations Office Secretary Martin Andanar] dito sa areas na ito. So, under quarantine na rin itong dalawang areas sa ­Quezon City,” wika ni Dar sa isang radio interview kina  Andanar at PCOO Assistant Secretary JV Arcena.

Naunang kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpositibo sa ASF ang samples na kinuha sa mga baboy sa da-lawang nasabing barangay.

Samantala, sini­guro ni Andanar sa mga consumer na ligtas pa ring kainin ang karne ng baboy.

“Ilang beses pong ni-remind ni Secretary William Dar na hindi po ito nakaaapekto sa tao. So, iyong baboy po na kakainin, hindi po ito nakakahawa sa tao,” ani Andanar.

Binigyang-diin ni Dar na hindi nakakahawa ang sakit, at idinagdag na ligtas ito basta sinusunod ang tamang proseso.

“Itong tamang pro­seso na ito, iyong mga baboy ay dadalhin sa slaughterhouse at bago katayin ay susuriin po ng beterinaryo at kung ito ay walang sakit, ito na iyong bibigyan ng clearance na kakatayin,” aniya.

Ayon sa Department of Health (DOH), bagama’t ang ASF ay hindi banta sa kalusugan ng tao, maaaring makatulong ang mga tao para maipasa ang virus.

Sa initial findings, ang mga tirang pagkain mula sa mga hotel at restaurant sa Metro Manila ang maaaring carrier ng ASF.

Comments are closed.