PATULOY pa ring kakalat ang African Swine Fever (ASF) sa iba’t ibang panig ng mundo — malayo man o malapit ang isang bansa sa lugar kung saan may impeksiyon ng ASF.
Ayon sa World Organization for Animal Health (OIE), lahat ng bansa sa mundo ay nanganganib sa ASF.
Pahayag ni OIE Director General Monique Eloit na kahit ang isang simpleng sandwich na bitbit ng isang turista na nagmula sa isang bansang may ASF ay maaaring pagmulan ng ASF kung naitapon ito sa basurahan at nagamit na pagkain ng baboy.
Ang ASF ay nagmula sa Africa na unang tumama sa China bago kumalat sa Europa at Asya.
Nasa 50 bansa na ngayon ang apektado ng ASF at aabot na sa daang milyong mga baboy ang pinatay dahil sa ASF.
Maliban sa hog industry, apektado na rin ang corn at ang industriya ng pakain sa mga baboy.
Comments are closed.