NAKIKITANG malaking tulong ang ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng African swine Fever (ASF) sa Region 2.
Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA) dahil sa enhanced community quarantine ay limitado ang galaw ng mga tao maging sa transportasyon kayat nakokontrol din ang pagkalat ng ASF sa Isabela.
Sinabi pa ng opisyal na katunayan ay wala nang naidagdag na kaso ng ASF sa 15 bayan sa Isabela maging sa Cagayan Valley.
Ayon pa kay Edillo, maganda ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno sa pagmamando sa mga checkpoints para labanan ang pagkalat ng ASF at Coronavirus Disease 2019 (COVID 19). BENEDICT ABAYGAR, JR.