BASILAN- ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Basilan ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Malo-ong San Jose, Lamitan City, Basilan.
Ayon kay CIDG Director, PMGen. Romeo Caramat, ang puspusang pagtugis sa mga terorista na utos ni PNP Chief Gen Benjamin C. Acorda Jr. ay nagresulta sa pagkaaresto kay Gery Mapula Abing na may mga alyas na Pegging/ Abing, 31-anyos.
Si Abing ay naaresto makaraang silbihan ng Search Warrant na inisyu ni Hon. Verna Kate B Santos, Executive Judge ng RTC, 9th Judicial Region, Isabela City, Basilan, dahil sa paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).
Nakuha ng pinagsanib na awtoridad ang isang baril na cal-45, magazine para sa nasabing baril, anim na live ammunitions, isang hand grenade at isang sling bag.
Si Abing ay nakabase sa Basilan at tauhan ni ASG Leader Furuji Indama at nasa number 90 watch list.
“Subject person is an ASG member under late Basilan base senior ASG leader Furuji Indama, currently Number 90 on the watch listed personalities during the 4th quarter of CY 2023 of JAPIC
Basilan PSRTG, included in a poster of a wanted ASG terrorist and allegedly took part in the Lunsmann kidnapping incident way back on July 12, 2011 in Zamboanga City, which was headed by the group of Furuji Indama,” ayon kay Caramat. EUNICE CELARIO