ASG TARGET NI GALVEZ NA MALANSAG

Maj_Gen_Carlito_Galvez

SULU – BINUBUHUSAN ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  ng elite military for­ces ang lalawigan ng Sulu upang tangkain na maisakatuparan ang utos ni AFP chief of Staff Gen. Carlito Galvez na durugin at tuluyan nang ma-neyutralisa ang te­roristang Abu Sayyaf Group (ASG) hanggang Disyembre.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, nagbaba ng marching order si Galvez para iligtas ang lahat ng bihag ng ASG at tuluyang durugin ang bandidong grupo.

Inihayag ng opisyal na isang Scout Ranger Battalion mula Marawi ang dumating na sa Sulu bukod sa mga special unit na nakakalat na sa strategic areas.

Nabatid na tinatayang nasa humigit kumulang 300 na lamang umano ang nalalabing ASG sa Sulu habang sa kasalukuyan ay may 11 batalyon ang nasa ilalim ng JTFS.

Subalit, mananatiling December pa rin umano ang kanilang target deadline kaya ipa-fast track nila at  talagang pipilitin nila na malansag ang mga teroristang grupo.

Nabatid pa sa opisyal, na hanggang Disyembre ang ibinigay sa kanilang timeline subalit ang realization considering all factors, ayon kay Sobejana,  ay maaaring matapos sa loob ng dalawang taon.

Si Galvez ay nakatakdang mag­retiro sa darating na December 12 pagsapit niya sa mandatory retirement age. VERLIN RUIZ

Comments are closed.