Umabot na sa 30 lugar ang apektado ng ashfall mula sa pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Island base sa datos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Iniulat ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Western Visayas, naitala ang pag-ulan ng abo sa Negros Occidental partikular sa La Castellana, La Carlota City, Bago City, Murcia, Pontevedra, San Enrique, Hinigaran, Valladolid, Pulupandan at Moises Padilla.
Apektado ang mga lugar na Nueva Valencia, Sibunag, San Lorenzo at Jordan sa Guimaras maging sa Iloilo, lalo na sa Iloilo City, Pavia, Oton, Tigbauan, Igbaras, Guimbal, Miag-ao, at San Joaquin at marami pang mga lugar sa Antique.
Pinag-iingat ng EMB Western Visayas ang mga apektadong residente na maaaring magresulta sa respiratory problems ang pagkakalantad sa ashfall eye irritation at sakit sa balat.
Inabisuhan din ang mga apektadong residente na maagsuot ng N95 mask at googles kung kinakailangan talagang lumabas.
LUISA M GARCIA