ASIA-OCEANIA DAVIS CUP BEST-OF-THREE NA LANG

DAVIS CUP

MULA sa best-of-five series ay magiging best-of-three na lamang ang Asia-Oceania Davis Cup, ayon sa International Tennis Federation.

Ang pagbago sa format ay isa sa mahahalagang bagay na tinalakay sa pagpupulong ng ITF na  pinamumunuan ni David Hagerty ng United States at  dinaluhan ng Continental presidents, kasama si Asian Tennis Federation president Anil Khana ng India at mga lider ng national tennis association sa buong mundo, kabilang si  Philippine Lawns Tennis Association president Atty. Tony Cabletas, sa Orlando, Florida.

Ang format sa taunang Continental tennis tournament na tatampukan ng  mga manlalaro sa Asia at Oceania, kabilang ang Australia at New Zealand, ay pinaikli para hindi mapagod nang husto ang mga manlalaro.

“The reason for changing the format of the competition is precisely to shorten the game and lessen the suffering of the players playing five sets in past tournaments,” sabi ni Cabletas.

“This is a welcome news to the players. The players will no longer labor hard playing five sets at the tennis court because of the new innovation in the prestigious tournament,” aniya.

Ayon pa kay Cabletas, maaga niyang bubuuhin ang koponan na sasabak sa Asia-Oceania Davis Cup at 2019 SEA Games na gaganapin sa Filipinas, sa tulong ng coaching staff, kasama si coach Cris Cuarto.

“We have to form the team early and expose to high level competitions here and abroad to sharpen their skills and broaden their experience range against world class players,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Cabletas na palalakasin niya ang kanyang grassroots programs para makatuklas na mga bagong atleta na may potensiyal na katawanin ang  bansa sa international tennis competitions.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.