ASIAD-BOUND PH MEN’S BASEBALL TEAM SA PSA FORUM

MAGIGING panahin ang Philippine men’s baseball team na sasabak sa 19th Asian Games sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes bago ang kanilang pag-alis patungong Hangzhou, China.

Tatalakayin ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) Secretary General Pepe Munoz kasama ang mga miyembro ng PH team ang kanilang darating na kampanya sa Asiad, na ang preliminary games ay magsisimula sa Oct. 1.

Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga.

Ang isa pang bahagi ng public sports program ay tatampukan nina legendary basketball coach Joe Lipa at co-author Peter Regalado Lopez upang talakayin ang newly-published 280-page book Basketball 101.

Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Matapos ang programa, ang Forum ay magpapahinga ng tatlong linggo upang bigyang-daan ang kampanya ng bansa sa Asiad.

Hinihikayat ni PSA president Nelson Beltran, sports editor ng Philippine Star, ang mga miyembro ng pinakamatagal na media organization sa bansa na dumalo sa session na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ito sa kanilang official Facebook page.